Random Fact

Ako ang taong ayaw ipakialam sa iba ang ginagawa kong program o design. Kapag ginalaw ng iba, medyo badtrip na ako, worst bahala na sila ang gumawa. They can suggest naman but ako na talaga bahalang dumiskarte.

I know this is bad and I am trying to change. Wooh!

Good Night!

THIS!

Hindi po ako disappointment! I had been, yes, but not this time.

Grabe lang ang nagpabad-vibes sa akin ngayong gabi. Ginagawa na ang lahat tapos ganito pa.

Dahil lang sa konting pagkakamali, which is hindi naman talaga pagkakamali, nawalan na nang kumpiyansa sa iyo, na parang wala lahat ng pinakita mong galing dati, na parang ang bulok bulok mo.

Kung alam lang nila kung bakit nagkaganun. Uso magkaroon din ng personal problems rather than academics problems. Nahirapan po ako mag-adjust, then family problems, then friends problems, then org problems, then etc. Uso naman po ang maging considerate minsan.

Uso din wag maniwala sa sinasabi ng iba. Uso din wag pag-usapan at ipagsabi sa iba.

May chance pa din po ako para bumawi. Nakakasama lang ng loob. Ginagawa na para sa kanila tapos parang wala nang tiwala sa iyo na kaya mo. :(

Malapit nang matapos ang pagiging fourth year, tapos fifth year na, tapos Graduation na. Hindi lang diploma ang tatanggapin ko sa Graduation ko (promise!). Gragraduate po ako hawak ang gusto niyong hawak ko, konting tulong lang naman po. 

Pasalamat sa Diyos na may mga tao pang naniniwalang kaya ko at naniniwalang I am more. Thank you very much po sa inyo! :)

Hindi po ako masama o ano man, nagpatong-patong lang talaga lahat ng pressure, problems, and expectations, pasensya na. Kailangan lang mailabas kahit bahagya. Pasensya na din kay tumblr at napagbuhusan ng sama ng loob. 

Sorry po. :(

#KayaPa#GagawinKoNaLangItoParaSaAkinAtHindiNaParaSaIyo #RedeemingMySelf #WatchMe #IWillMakeYouProud

Fourth year College na ako. Parang kailan lang Fourth year Highschool pa lang.
Sa panahon ngayon, sa mga nangyayari, narealize ko, ay talaga namang IT’S MORE FUN IN HIGHSCHOOL!Miss ko na ang mga taong, araw-araw nagpapangiti at nagpapasaya sa akin. Ang mga taong tinuring akong kapamilya hindi kung sino sino lang. Mga taong magkakapatid ang turingan at nagtutulungan. Mga taong supportive. Mga taong hindi nagparamdam sa akin na iba ako. Mga taong nakikinig sa opinyon ko. Mga taong hindi nanlalaglag. Mga taong hindi ka ibababa dahil mataas ka. Mga taong marunong makinig sa saloobin mo. Mga taong, mawala ka lang ng saglit o umabsent, ayan na ang text, tapos pag bumalik ka, grabe ang “welcoming” at kumustahan. Mga taong tatanungin ako kung ok lang ako if nakikita nilang malungkot ka. Mga taong alam kung saan ka masaya, na hindi ito itatake na masama. Basta ang mga taong tinuring ko at tinuring akong KAPATID at KAPAMILYA.
Ang iba sa amin, gragraduate na ulit. Sana magkita-kita kami soon.

Sana hindi ako nagiging istorbo para sa inyo. :)

Engr. Anthz

Pirate Banats

Pirate ka ba?

PIRATEti ka kasing nasa puso ko.

Pirata ka ba?

Inangkin mo kasi puso ko ng walang paalam.

Pirata ka ba?

Basta basta ka kasi naglalayag sa puso ko ng walang paalam.